"How's my grandson, Doctor?" salubong na tanong ni Aaron Sud nang lumabas ang manggagamot sa emergency room kung saan nila itinakbo ang apong basta na lamang kinumbulsiyon. "For now, I can say that he is in good condition. But I must warn you that he may lose his life at his early life. I am a doctor and a instrument to save lives but I must tell you too that I'm not a God who can do impossible things to be possible," deretsahan nitong tugon. Tuloy! Napanganga ng wala sa oras ang legendary BAKAL NA REHAS team leader. Aba'y sino ang hindi mapanganga kapag ganoon ang maririnig? Ilang araw pa nga lamang ang kambal sa piling nila pero tungkol na sa maaga nitong kamatayan ang sinasabi. "Doctor, maari bang pakipaliwanag ang lahat? Ibig kong sabihin ay tungkol sa maagang kamatayan ng apo ko.

