"Wala na tayong magagawa pa, wifey. Dahil ginawa na natin ang lahat para lamang may maipares tayo sa kaniya. Ngunit sila mismo ang nag-usap ng maayos na hindi puwedeng magpatuloy ang ganoon nilang set-up." "Tama ka, sweetheart. Kung gusto niyang mag-asawa ay maging masaya tayo para sa kaniya. Ngunit kung nais naman niyang maging matandang binata ay wala rin tayong magagawa pa." "Yes, wifey. Kaya't hayaan na lang natin siya. Who knows, by his on way he will meet his desti---" Kaso ang usapan nilang mag-asawa ay pinutol nang nonstop sound ng telepono. Kaya't nagkatinginan sila. Ganoon pa man ay dinampot ng Ginoo ang wireless phone. (Italics) "Tay, aba'y kailan ka pa naging makupad sa pag-angat ng telepono?" Bungad na nga sa kaniya ng binatang pinag-uusapan. "Urgent long distance call,

