"Kuya! Where are you?!" Ang malakas na tinig ng nakababata niyang kapatid ang gumulantang sa kaniya. Maaga pa naman sa pagkakaalam niya. Weekend kaya't solong-solo sana niya ang oras kaso ang lintik nambubulahaw ay nagmistulang sirena ng police patrol. Kaya naman kahit pupungas-pungas siya ay pinilit niyang hinamig ang sarili saka nagtungo sa pintuan. "Nandito tayo sa bahay, Luther, wala sa battlefield. Kung gusto mong makipagsigawan ay ikaw ang magtraining sa mga trainees sa BNRO ngayong araw!" singhal niya na hindi man lang pinagkaabalahang idilat ng husto ang matang kulang na lang ay ipikit ng husto. "Walang pupunta sa battlefield at sa BNRO, Kuya. Dahil uuwi tayo ngayon din," saad pa nito. Kaya naman tumayo siya ng maayos mula sa pagkakasandal. Ang matang halos pumikit pa ay napamu

