LATER that night... Kahit anong pamimilit ng mga anak niyang sila ang magbantay ay hindi pumayag si Mariz Kaye. Dahil ayaw niyang iwan kahit ilang oras lamang ang asawa niyang natutulog. Gusto niyang nandoon siya kapag magising ito. Kaya naman ay wala silang nagawa kundi ang mag-iwan ng mga guwardiya. Iyon nga lang ay hindi kagaya ng ibang pinapabantayan. Dahil dalawa lang ang nasa harapan ng private room na inuukupa ng pasyente. Ang iba ay nakakalat na sa buong paligid. "Ha? Aba'y bakit ganoon? Ibig kong sabihin ay... Maari namang diyan lang sa labas ang pabantayan ninyo kagaya ng dati." Hindi makapaniwalang pinaglipat-lipat ni Mariz Kaye ang paningin sa mga anak. Aba'y mukhang masyado naman yatang naging matapang ang mga anak niya. Alam niyang kaligtasan nilang mag-asawa ang iniisip n

