"I'm sorry, Tatay. Pero sa pagkakataong ito ay salungat ako sa nabuo ninyong plano ng mga Uncles namin." Nakailing na paghingi ni Sean Emerson ng paumanhin sa ama. "Sean Emerson anak, pero sa tuwing may problema ang pamilya natin ay tulong-tulong kayo ng mga kapatid mo para sa amin ng Tatay mo. Ano ang dahilan at mukhang taliwas ka ngayon?" hindi makapaniwalang tanong ni Mariz Kaye sa panganay na anak. Ang mga anak nilang mag-asawa ang number one supporters ng kaniyang asawa. Lalong-lalo na pagdating sa mga adventures. Subalit mukhang nag-iba ang takbo ng buhay nito. Ilang buwan lang naman nila itong hindi nakasama pero wari'y mayroon na silang hindi nalalaman. Sa kaisipang iyon ay napasimangot siya. Kaso mas nainis siya dahil dinig na dinig niya ang mahina nitong pagtawa. "Aba'y tuwang

