Life is not easy and it will not go as we always wishes. Kagaya sa buhay ng mga Xaviers. Punong-puno ng ups and downs. "Ano ba ang nangyari, apo? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Mariz Kaye sa apong yakap-yakap ang sarili sa paanan ng hagdan. Ngunit hindi ito sumagot bagkus ay mas itinago ang mukha sa paa. Kaya't napatingin siya sa asawang kapwa niya nagtataka sa ikinikilos nito. Sampung taon na ito ngunit dulot ng dati nitong sakit ay may kapayatan ito kumpara sa mga kaedad. Mabuti na nga lang at matangkad ito. Ilang taon na ang nakalipas simula noong ipinahayag ng doktor safe na ito sa anumang sakit. Ngunit mas mataba ang younger brother nitong seven years old. "Baby Kwanchai, your grandmother is asking you what's the matter. Are you doing well today?" sinalo ni Aaron Sud ang pagtanong di

