Era's POV Nakatingin ang ako kay Fros na pilit kumakawala sa usok na iyon habang tinititigan ang Pekeng ako. Tinitingnan ko lang sila sa tubig, napaiyak na ako dahil nakita kong nasaksak si Bliz at shaye. "Era" napalingon naman ako sa tumawag sa pangalan ko, nanlaki namam ang mata ko sa nakita ko. "K-kayo" sabi ko habang nakaturo sakaniya. "Ako nga anak" sabi niya, mas lalo akong napaiyak sa narinig ko, Ang ama ko. Niyakap ko naman siya, siya iyong nakita kong nakasama ni Ina doon sa nakita kong nakaraan, teka bakit siya nandito? "Nasaan po ako?! Bakit po ako nandito?!" kaagad na tanong ko. "Binawi ko lang ang kaluluwa mo sa DarkLord anak, ang Era na nakita mo ay ang kaluluwa ng isang masamang magus na ginamit ang katawan mo, pero taglay niya rin ang kapanyarihan mo" Nanlaki naman