Third Person's POV Sa labas ng palasyo at sa academy ang pagsalakay ng mga kalaban. "Huwag niyo silang papatayin! Binibigyan ko kayo ng Oras para maghiganti sa mga Kinaiinisan niyo at mag atraso sainyo pero tandaan niyo ang pakay natin dito!" sigaw ng reyna nila. Pumunta namam ang Reyna nila sa Palasyo nina Frost, may lumusob din sa Mga ibang Kastilyo, Pagkapasok palang nito sa palasyo ay naramdaman nanaman niya ang pangungulila sa lugar na iyon. Pumasok siya sa silid, sa silid kung saan nagpapalano ang kasalukuyang Reyna at Hari. "Kumusta aking mga Kaibigan" sabi ng Reyng ng Kadiliman. Napatingin naman sakaniya ang Mga kawal at ang Reyna at Hari at nanlaki ang mga mata ng mga ito. "Walang gagalaw!" sigaw ng Reyna Hera sa mga kawal. "Hera, ano pa bang gusto mo?! May Kaharian kana!"