Kinansela ni Lander ang mga hired na agent ngunit binayaran niya para sa abala ng mga ito matapos magpasalamat ay bumaba na siya. Sa dining room kapansin-pansin ang pananahimik ni Arriane at Ashley pero hindi iyon pinansin ni Lance alam na niya na may ginagawang kalokohan ang dalawa ayon sa mga kilos ng mga ito. “Let's pray,” sabi ng ginang na tumayo agad ang isang anak ni Lance para mag lead ng prayer. Saka sila taimtim na nag dasal para sa food at sa pagkaka ligtas sa mg bata. Bidang-bida si Nikolai habang ganado sa pagkain ay gano’n din ang katabilan ng dila nito. “Saan naman kayo dinala ng mga nag kidnap sa inyo?” biglang tanong ni Lance kay Nikolai may gusto siyang malaman sa magiging reaksyon ng kapatid at asawa. “Uncle doon po sa panget na bahay pero tinakpan nila ang mata nami