“May problema ba Issay?” hindi nakatiis na tanong niya sa babae. Siya na ang kusang lumapit sa mesa dahil tapos na siya nitong ipaghayin. Hindi pa rin umumuk ang babae at patuloy lamang ito sa pagtimpla ng kanyang kape. Ang sinangag, sunny side up egg ay nasa harap na niya at piniritong tuyo at ham ay inilapag na rin nito sa mesa. Pero wala pa ring pagsagot na nakuha dito. “Issay tinatanong kita! Bakit ba kailangang manahimik ka diyan ha?!” naiinis na tanong muli niya dito. Pero katulad kanina, wala pa rin itong imik. Tangkang tatalikod na ito kaya bigla niya itong hinawakan sa kamay. “Ano ba? Bitawan mo nga ako!” inis na singhal nito sa kanya. “Saglit nga mag-usap nga tayo!” singhal din niya dito. “Kumain ka na lang Sir Ellion, wala akong panahong makipag-usap sayo kaya plea