"Ha?! Papaanong? Imposible dahil pamangkin siya ng katulong namin at matagal nang naninilbihan ang katulong na iyon sa pamilya namin. Kaya imposibleng sinasabi mo lalaki! Kailanman ay hindi maaaring maging mayaman ang babaeng iyan. Isa lamang siang mutchacha na mataas ang pangarap. Gusto ay mapansin ang aking anak hindi niya alam na ginagamit lang siya ng aking anak para magkaroon ako ng apo pero ngayon na nailuwal na ang aking apo. Maaari ng lumayo ang babaeng 'yan sa pamilya namin!" wika pa ng kanyang mama at hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ng lalaki. Pero siya batid niyang totoo ang sinasabi ng lalaki, kung ang pagbabasehan ang dating mga kilos ni Issay noong panahong bago lang niya itong nakilala. Pinilit lamang nitong pangatawanan ang pagpapanggap nito na mahirap dahil na rin