Nasa harap na sila ng mayor ay para bang hindi pa rin siya makapaniwala sa bilis ng pangyayari pero heto nga at tinatanong na siya ng Mayor kung tinatanggap ba niya na maging asawa si Ellion. Syempre oo agad ang sinagot niya sa tanong nito mahirap na iyong magpakipot pa siya eh nandoon na nga na kahit hindi pa rin pumapasok sa kanyang isipan ang lahat ay dapat na tanggapin na lamang niya dahil siya naman ang may kagustuhan nito. Para sa totoo lang kinakabahan siya ng husto dahil hindi niya alam kung ano itong pinasok niya baka lalo lamang gumulo ang lahat o baka nga naman maging okay din din dahil nga sa problema niya sa kanyang lolo. Pero nakakatuwa din isipin na hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang kanyang Sir. Tinanggap agad nito ang kanyang proposal dito pero yun nga nakakabigla l