TBSM: Kabanata 56

1244 Words

"Hmmm ang sarap grabe!" palatak ni Ellion habang magana nitong isinusubo ang lettuce na may karne at kimchi. Panay din ang kuha nito ng cheese at pinapapak iyon. May kasama din na rice ang inorder nito pero mas gusto nito na lettuce lamang ang kainin. "Grabe ang sarap ng mga flavor nitong mga karne nila 'no? Kailan panahon pa kasi huli akong nakatikim ng ganitong food. Ang mga kaibigan ko noon kasi ay mahilig sa ganitong pagkain at ako naman noon ay lagi lang nilang nahihila. Pero noong simula ng mabaldado ako ay nawalan na ako ng mga kaibigan. Kanya-kanya na sila ng mga lakad at nakalimutan na nila ako. Sabagay pinantod nga naman ako ano nga naman ang mahihita nila sa akin. Sino ba naman kasi ako para gustuhin nilang isama. Alagaan pa nila ako kaya naintindihan ko rin naman." nakangit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD