TBSM: Kabanata 85

1508 Words

"Issay? T-Totoo ba ang nakikita ko o ilusyon ka na naman?" Hindi makapaniwalang tanong ng lalaking nakahiga sa hospital bed. Iniangat pa nito ang isang kamay at hinawakan nito ang kanyang pisngi. "Oo Mr,ako ito." Tipid na sagot niya dito. Nag-aalangan pa siya na sabihin ang talagang pakay niya sa lalaki lalo at alam niyang may karamdaman din ito at kailangan nito ng sapat na pahinga. Nagtungo siya sa silid nito para humingi ng tulong. Naramdaman kasi niya ang paglabas ni Enrique sa silid niya kaya sinamantala niya iyon. Bago siya lumabas ng kanyang silid, napansin niya ang nalamukos na papel na pinagsulatan ng address kanina ng nurse. Bigla siyang kinabahan na ewan, parang may kung anong trahedyang darating kaya naman minabuti niyang lumabas ng silid at magtungo sa kabilang silid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD