“Anthony, kumusta ang lagay ni Lolo?!” Sigaw ni Ellion kay Anthony na noon ay nakadapa pa rin sa gitna ng mga batuhan kasama nito si Don Elliseo. Pero mukhang masama ang tama ng matanda. Nasa kabilang panig naman ng batuhan ang dalawang miyembro ng grupong kasamahan ni Enrique. Pero hindi na makatawid ang mga ito at ang dalawa ang nagpaputok ng baril na naging sanhi para matamaan ng bala si Don Elliseo. Talaga mga halang ang kaluluwa, nakasunod agad ang mga hayop. At mukhang mapapahamak pa si Dob Elliseo dahil sa mga walang hiya. “Medyo masama ang tama niya Sir Ellion, dapat maagapan natin, kailangang madala sa ospital ang matanda dahil kung hindi mukhang masama ang kalalagyan niya!” Ganting sigaw naman ni Anthony. “Anthony please, tulungan mo ang lolo ko huwag mo siyang hayaang m