TBSM: Kabanata 54

1534 Words

Hindi maipaliwanag ang kaligayahan sa puso ni Isabel dahil sa napag-usapan nilang dalawa ng kanyang Sir Ellion. Natuklasan niya na hindi pala siya ikinakahiya ng kanyang Sir, tapos naging good mood ito sa kanya at ngayon maayos na silang nag-uusap na dalawa. Hindi iyong parang aso at pusa, hindi na rin iyon parang palagi na lang itong galit sa kanya. At sa totoo lang maraming beses na niyang binalak na magpaalam dito para mag-overnight sa dalampasigan katulad ng mga guest sa mga katabing resort. Pero syempre nais niya itong isama dahil hindi naman niya kayang mag-isa sa dalampasigan. Kahit pa sabihin na may ilang mga guest na nananatili din sa dalampasigan ay magkakalayo naman. Sa tanang buhay kasi niya kahit na may resort din ang kanyang lolo ay hindi pa talaga niya naranasan ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD