"Bakit hindi mo ako tingnan, Jo?" napakislot ang puso ni Joanna nang maramdaman ang paglapit ng kaibigan. Pero nanatili siyang nakatingin sa kabilang side. "Bakit hindi mo tingnan ang ginawa mo sa'kin? Don't tell me na nakokonsensiya ka. Kasi wala ka niyon." Nilunok ni Joanna ang parang bikig sa kaniyang lalamunan. At saka siya kumisap ng dalawang beses para pigilan ang pagluha. Pagkatapos ay nilingon niya si Bernard na noo'y nakaupo na sa katapat niyang upuan. "How many times do I have to say sorry, Bernard? Kailangan ko pa bang lumuhod para lang patawarin mo ako?" "Honestly?" Nang-uuyam na ngumiti si Bernard. " Your apologies are great. Lahat ng tao ay napaniwala mo sa kaplastikan mo. But your sorry can't really change anything. It can't change what you did. You still betrayed me. Nth