ILANG BUWAN na rin ang lumipas pero naninibago pa rin si Tiffany sa buhay Amerika. Napakahirap talagang makihalubilo sa mga hindi kalahi, lalo na sa eskwela. OP pa rin siya minsan sa mga klase nila. "Pinay, you want some?" Pero minsan ay nasasanay na rin sila sa kanya. Actually ay 'Pinay' ang tawag sa kanya dahil mag-isa lang siyang Pilipino sa klase nila. "No thanks," tipid niyang sagot. At ang isa pang problema. Ang pagkaka-nosebleed niya minsan sa conversation. Ang bibilis kasi nilang mag-English. Walang-wala ang mga English niya. Buti na lang at may mga taga-ibang bansa rin na nag-aaral doon kasama niya. Sila ang mga kaibigan niya. Tulad ni Sahira na taga-Singapore at madami pang iba. Friends niya sila dahil parehas niyang hindi kinakain ang mga English 'pag nagsalita. "Haaa!" Hika