"ARE you okay?" pasimpleng tanong ni Bearlan kay Tiffany. Nasa chopper na sila pabalik na sa Maynila at kanina pa niya napansin ang pananahimik ng dalaga. Ayaw ring magpahawak ng kamay o magpaakbay. Gayong ito na ang huling araw na magkasama sila na malaya. Tumingin sa kanya si Tiffany at napansin niya agad na may bumabagabag dito. Agad ding nag-iwas ng tingin ang dalaga nang salubungin niya ito ng tingin. Nakaramdam tuloy siya ng kaba. Hindi kaya may ginawa o sinabi ang mommy niya rito na hindi niya alam kaya ganito ngayon si Tiffany? Masama ang tinging ipinukol niya sa ina. Kampanteng-kampante na nakaupo ang ginang. Kapansin-pansin ang manipis na ngiti nito sa labi. Lalong nangamba ang kalooban niya. Malapit na sila sa Maynila at wala ng oras para makapag-usap sila ni Tiffany nang ma