"HOW'S your vacation, hija? Bakit ang bilis naman yata?" Ngiting-ngiti na iginiya ni Madam Amelia si Jullie Anne sa upuan. "It's really great, Tita. Napakasaya kahit na ilang araw lang po ako doon dahil kinailangan kong umuwi agad. Nagkasakit kasi si Cavi. Iyong alaga kong pusa. You know naman, Tita, parang mga kapatid o anak ko na ang mga pet ko," abot hanggang tenga ang ngiti ng dalaga na sagot tapos ay bumaling ito kay Bearlan. "How about you, Bearlan? Kumusta ang bakasyon niyo ni Rick sa Isla Paradise? Parang ang bilis niyo lang din ano?" "Masaya rin," matabang na sagot ni Bearlan dahil tumatakbo pa rin sa isipan niya si Tiffany. Hindi siya mapakali. Sana'y okay lang talaga ang babaeng mahal niya. "Actually ay may masayang balita ako sa 'yo, hija.” "Ano po 'yon, Tita?" "Jullie Ann