"F*CK! Hindi ko kaya talaga!" Ang hitsura ni Bearlan ay parang diring-diri sa tubig ng dagat. Kahit ang mabasa ang paa niya ay hindi niya kaya. "Kaya mo! Pilitin mo! Tubig lang 'yan!" pampalakas loob ni Tiffany. Subalit sunod-sunod ang naging iling ni Bearlan. Pinagpawisan na rin ito nang malapot. "No! I can't! Darn it!" "Kaya mo sabi!" pagpipilit ni Tiffany. "Huwag mong pilitin baka lalong tumindi ang phobia ni Bearlan, Tiffany," nga lang ay awat ni Rick sa kanya na nanonood sa kanila. Lumupaypay ang mga balikat ni Tiffany. "Sige na nga, tama na muna. Kahit na wala man lang nangyari na naman sa araw na ito kundi ang ma-sun burn tayo. Tss!" "Sorry, I'll just try again tomorrow," nahihiyang saad ni Bearlan. Pinupunas nito ang pawis sa noo. "Pero bakit no'ng akala mong lalanguyin ko a