"TARA, Tiffany, pasok tayo para maipakita ko na sa 'yo ang magiging kuwarto mo." Hinawakan agad ni Vicky ang kamay ni Tiffany at iginiya paloob ng mansyon ng mga Grylls. Pero natigilan sila nang may makasalubong silang matandang lalaki kasama si Madam Amelia at ilang mga body guards. Yumukod si Vicky sa mga ito kaya ginaya iyon ni Tiffany. "Tiffany, I'm glad you're here." Masayang bati ni Madam Amelia na ngiting-ngiti sa kanya. "Who is she?" seryosong tanong ni Don Rodrigo. Kahit hindi na magtanong si Tiffany ay batid na niyang ito ang asawa ni Madam Amelia. Don na don kasi ang hitsura ng matandang lalaki at mukhang napakaistrikto. Parang 'yung kontrabida sa mga pelikulang napapanood niya. "She's Tiffany Cañete, Honey. Ang magiging personal assistant ni Bearlan," pakilala ni Madam Ame