YAKAP-YAKAP ni Tiffany ang kanyang dalawang tuhod habang pinagmamasdan niya ang tahimik na dagat. Umagang kay ganda. Walang kaalun-alon. Buti pa ang dagat payapa. Napabutong-hininga siya. Naiinggit siya sa dagat. Sana payapa rin ang kalooban niya, hindi ganito na kay bigat. Sobrang bigat. Mapait ang ngiti niya sa labi habang kay layo ng kanyang tingin. Pa'no na ngayon? Hindi na talaga mapapasakanya ang isang milyon. Sa'n na siya kukuha ng pang-tuition? Hindi na yata talaga siya makakapasok sa college. Nakakalungkot. Napabuntong-hininga siya ng malalim ulit. Ang gulo-gulo na talaga ng isip niya. Hindi nga siya nakatulog kagabi kakaisip. Ito na yata ang katapusan ng kanyang pangarap at hindi na niya matutupad ang pangako niya sa mama niya. Nakakalungkot isipin pero kailangan niya siguron