KABANATA 54: TUMAYO si Carlos paglabas ko sa kwarto ni Doctora. “Kumusta?” bungad niya. “Okay naman. Heto at kailangan kong bumili ng vitamins at gatas para kay baby.” Ngumiti ako sa kanya habang pinakita ang reseta na binigay ni Doctora. “Sige, bili na lang tayo muna niyan bago mamalengke.” Tumango ako at lumapit sa kanya. Umalis din kami agad sa Hospital at nagtungo sa malapit na botika. Nalagasan agad ako ng apat na libo. Mabuti na lang talaga at may pera ako. Kung hindi pala ako binigyan ni Sir Augusto ng sobra-sobrang pera baka ay ubos na itong natira sa akin. “O, bakit?” tanong ni Carlos ng mapansin ang pananahimik ko. Halata din kasi na malalim ang aking iniisip. Umiling ako. Iniisip ko iyong gastos sa totoo lang. Ngayon p