KABANATA 75: TUMITIG siya sa akin ng ilang segundo bago tumango-tango. “I understand that’s why I’m trying my best to protect you and your family. That’s the least I can do. Let’s continue to talk about this when we get home,” aniya at ipinikit muli ang mga mata. Nagsalubong ang kilay ko. “Anong home? Sa trabaho ako pupunta. Kila Carlos,” mas lalo ko siyang tinignan. “You’re not going to work for that man.” “Ano?! Walang mag-aalaga kay Lola!” Dinilat nito ang mga mata. Iritable niya akong tinignan. “Siya talaga concern mo o sa lalaking ‘yon?” salubong ang kilay niyang tanong sa akin. “Ano ba namang tanong ‘yan. Trabaho ko ‘yon, Logan!” tumaas ulit ang boses ko. Hindi na nam