KABANATA 29: PUMASOK kami ni Amber sa Villa na basa pa. Tanaw ko ang mga pagkain na na sa pergola. Sinalubong kami ni Sir Logan na may bitbit na itong tuwalya. Meron pala niyan. Sana hindi na ko nagdala. Hindi ko naman kasi alam. Ang isa ay hawak nito at ang isa ay nasa balikat niya. Inassume ko na na sa kanya ang isa dahil may balak naman siyang maligo. Pinalibot nito ang towel sa kay Amber. Akma na kong papasok sa loob para kunin ang akin. Sa pagmamadali nakalimutan ko na maghanda ng towel namin sa labas. Mababasa tuloy ang sahig ng Villa. “Rica!” “Po?” Lumingon ako at nakita ko siyang malalaki ang hakbang papunta sa’kin. Nagulat ako ng mabilis nitong inilagay ang towel sa likod ko. Sa gulat hindi ako nakapagsalita. “I got one for you.