KABANATA 21: NAGING smooth naman ang buong araw. Naglalaro na kami ni Amber kapag bakante ang oras pero syempre ay hinihanap niya parin si Manang Corazon. Matapos ang klase niya sa Arts ay nanuod muna kami ng Moana bago ko siya tinulungan sa mga assignments niya. Nakakatuwa na kaya ko palang gawin iyon. Nakapagtapos si Rica sa Elementary pero sa Highschool ay hindi. Hanggang first year lang siya. Mas pinili niyang huminto at tumulong sa magulang. Nagbigay daan siya para sa kanyang mga kapatid. Sa tulong ni Ate Linda ay naturuan niya ako kung paano gamitin ang iPad ni Amber para makapag-search ako kung may hindi ako alam sa subjects ni Amber. Dahil bata pa ko sigurado daw na matiyaga ako sa ganyan na nagtuturo ng bata. Kaya habang may klase si Amber inabala ko ang sarili sa k