KABANATA 91: HINDI na nga ako pumasok kinabukasan. Pakiramdam ko tuloy para lang akong naglalaro. Pero kaysa naman hindi kami nagkakaintindihan ni Logan at matapos na itong issue na ito. Minabuti ko ng sundin siya. Ano kaya reaksyon ng mga kasama ko? Hindi na nila ko makikita sa hotel. Ako na ang naghatid kay Amber kinabukasan. Sumama ako sa driver at balak kong sumama ulit para sunduin siya. Okay lang naman iyon kay Logan. Dahil hindi ko maatim na walang gagawin. Tumutulong din ako sa gawaing bahay habang abala si Logan sa trabaho. Pagdating ng gabi tsaka namin pinagusapan ang tungkol sa plano naming pagpapakasal. Akala ko next week pa pero nagawan niya ng paraan na sa weekend na ganapin. May mga nakausap na siya para sa susuotin kong damit. Dito kami sa resort ikakas