KABANATA 87: PAGBALIK namin ay break time na nga. Kahit na kumain naman ako kanina ay kumain pa rin ako ng lunch. Sayang naman ang baon ko kung hindi ko gagalawin. Naku, kumusta kaya ako nito sa mga susunod na araw at buwan? Hindi kaya ako maglumba-lumba dahil sa sobrang taba? “Sa canteen tayo kumain kasi wala akong baon. Bibili ako. Kunin mo muna ‘yong baon mo.” Iyon nga ang ginawa namin. Bumalik kami sa locker para kunin ang baon ko. Inantay niya ko sa labas. Sinama ko na ding ang cellphone ko at sinuksok sa aking bulsa. Lumabas din ako agad at dumiretso na kami sa canteen. Nasa labas pa lang ay ramdam mo ng tahimik. Ganito ata dito? “Anong nangyayari? Himala at tahimik, e, maingay sa canteen,” pansin din ni Jennica. Pagpasok namin