KABANATA 39: HALOS ayaw akong mawala sa paningin ni Logan. Kung nasaan ako ay nakasunod din siya sa akin. Syempre, nagbihis muna ako ng uniporme ko. Sumama sa akin si Amber sa loob. Siya kung pwede lang papasok na din siya doon kaso hindi pwede. Kaya nung nakalabas na kami at pumasok ni Amber sa play room nito ay kasama din namin siya. “Why are you looking at me like that?” Nakangisi nitong tanong habang nakikipaglaro kay Amber ng doll house nito. Nakasandal ako sa hamba ng pintuan at nakahalukipkip. Nanliliit ang mga mata habang pinagmamasdan siya. “It looks like you don’t want me here?” tanong nito pero nakangiti na para bang natutuwa siyang naasar ako. “Wala ka bang trabaho?” Sinulyapan ko si Amber na pinapalakad ang barbie