KABANATA 24: HINDI na ko nagulat kinabukasan ng bumisita si Sir Luke sa mansion. Narinig ko naman kasi ang sinabi ni Sir Logan kagabi na bibisita siya sa umaga. Pagbaba palang namin ni Amber mula sa hagdan ay naabutan na namin silang dalawa ni Sir Logan sa sala at nagu-usap. Nag-angat ng tingin sakin si Sir Luke. Medyo nagulat ako na wala na iyong bigote niya. Ang linis niya tignan. Muha naman siyang malinis noon. Sadyang nakadagdag lang ng kapreskuhan kapag walang bigote sa mukha. Ngumisi ito at kumuway sakin. Iyong half smile pa lang niya feeling ko andami ng nagkandarapa para don. Naging model na ata ito sa commercial, e. Parang nakita ko na siya sa TV. Pero dahil nga nakakanuod lang ako tuwing may trabaho, limot ko na kung saan ba sa mga commercial ko siya nakita.