KABANATA 44: TATLONG araw ang lumipas matapos na lumipad ni Logan patungong China. Hindi na nasundan ang videocall namin matapos ang unang gabi nito doon. Nagiwan lang ng message sa akin na late na nakauwi dahil may dinner meeting pa ito. Alam niya ng tulog na ko kaya hindi na din siya tumawag. Hinayaan ko na lang. Alam ko naman na busy siya. Kaya lang may parte sa akin na nami-miss ko na din siya. Kaso nagboyfriend ako ng katulad niya dapat maintindihan ko iyon. Kumpara naman sa akin na nandito lang sa mansion. Iba ang level ni Logan. Sobrang taas niya para sa akin pero ako ang kanyang pinili. Minsan naiisip ko na baka nadala lang iyon kasi nakakasama niya ko sa bahay. Para kasing imposible na magkagusto siya sa akin. So far, okay naman kami. Walang malaking pinagtataluna