KABANATA 27: BUONG araw nga na kasama namin sa mansion si Sir Logan. Sobrang saya ni Amber. Ngayon lang niya nakasama ng weekdays ang ama niya kay sulit na sulit. Mabuti na lang at nagrequest ng bakasyon si Sir Logan para kay Amber. Kaya walang klase. Hanggang sa hapon nakipaglaro siya samin ni Amber. Naging masikip tuloy ang mini house niya para saming tatlo. Ang laking tao kasi ni Sir Logan. Kaya yukong-yuko siya sa loob. “I’m gonna buy a new playhouse 2x bigger than this. Sobrang liit nito!” reklamo niya. Bakit kasi hindi na lang siya doon sa labas diba? Hindi na nga siya magkasya. Masikip pa. Hindi ako nagsalita pero panay naman ang sulyap sa’kin. Inabala ko na lang ang sarili sa kunwari na nilulutong isda. “Mommy! Luto na!” Dinungaw ni