KABANATA 50: NAKAHINGA ako ng maluwag na napainom ko din ng gamot si Lola Julieta at dahil nga iyon sa pangako ko na ipagbe-bake ko siya. Imbes na cookies lang nagkaroon na ng cake. Napasubo na ko basta magawa ko lang iyong trabaho ko. Pag labas namin sa bahay ay dinala ako ni Lola sa sea side. Kaya pala tuwing umaga hilig nitong maglakad-lakad doon. Totoong maaliwas ang paligid. Masarap ang simoy ng hangin at nakakarelax. Kahit papaano nakatulong sa akin na kalimutan lahat ng worries ko sa buhay. “La! Pagod na ko maglakad. Upo muna tayo dito.” Hinawakan ko ang kamay niya at marahang hinila para huminto ito sa paglalakad. Grabe itong matandang ‘to. 80 na pero mas masipag pa kaysa sa akin kung maglakad. Kinakabahan na din kasi ako na baka