-Shania's POV- Nagising ako sa isang kwartong puro puti. Hospital? Napansin ko ang monitor na nasa gilid. Nasa hospital nga ako. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, medyo masakit pa ang aking tiyan at ulo. "Hey," Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Sir Lawrence. Kakapasok lamang niya sa kwartong kinaroroonan ko. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Nakita ko ang pagdaan ng pag-aalala sa kaniyang mga mata. Wala sa sariling nakagat ko ang pang-ibabang labi. Napaiwas na lang ako ng tingin nang maramdaman ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Pinilit kong huwag ipahalata na parang kinikiliti ang puso ko sa nakikitang reaksiyon ni Sir Lawrence. "Kanina ka pa bang gising?" tanong niya habang marahang lumalapit. Awtomatikong lumaki ang mga mata ko nang marahan niya akong ibangon. He adju