-Shania's POV- Five months. I'm five months pregnant. Hindi na ako makapaghintay sa paglabas ni baby. Hindi pa namin alam kung babae ba siya o lalaki. Hindi pa kasi kami nakakapunta ni Lawrence sa doctor ko. May out of town business meeting pa kasi siya ngayon. Bukas pa ang uwi niya, kaya baka sa isang araw na lang kami pumunta. I'm so excited! Nakangiting inubos ko ang in-order kong isang bucket ng fried chicken. Yep, one bucket. Inubos ko talaga ngayon dahil baka biglang dumating si Lawrence. Tiyak na mapapagalitan niya ako. Nang matapos sa pagkain ay kaagad na akong tumungo sa sala. Binuksan ko ang tv at muling pinanood ang palabas na iniwan ko kanina. Boring. Mag-isa lamang ako ngayon sa condo. Kahit anong pilit kong unawain ang palabas ay hindi ko magawa. Masyadong malayo