-Shania's POV- Saturday morning, no classes, but still, I need to go to school. Marami kasi akong aasikasuhin. Gusto kong libangin ang sarili sa pag-aayos ng kung anu-ano sa office. Nakakabagot naman kasi sa condo. Ako lang mag-isa, napakatahimik pa. I looked at my watch, alas-singko y media pa lang ng umaga. Masyadong maaga pa naman para sa pagpunta sa school. Pero okay lang, mas maaga, mas madaling matapos ang gawain. I was walking at the hall way when I saw Sir Lawrence. Kagagaling lang siguro niya sa gym na nasa baba. He looked at me. Hindi ko na lang siya pinansin at nagdire-diretso na lang ako sa elevator. Nakapagpasalamat na rin naman ako sa ginawa niya last week. Iyon nga lang, medyo masama pa rin ang pakiramdam ko. Nakakaramdam na naman nga ako ng gutom kahit na kakakain