-Shania's POV- White ceiling, yun ang unang tumambad sa paningin ko nang buksan ko ang aking mga mata. I already have an idea kung nasaan ako. Hospital. "Shania, I'm glad you're awake." Sabi sa akin ni Dwayne habang papalapit sa kinahihigaan ko. Siya ba? Siya ba ang nagdala sa akin dito? "Parating na ang parents mo." Nakangiting sabi niya sa akin. I want to ask him, what happened habang wala akong malay. But I can't, maybe because I don't want to hear his answer. "Si Kyla?" Tanong ko kay Dwayne. "I don't know, umalis siya kaagad pagkadala sayo sa emergency room." Sagot sa akin ni Dwayne. Marahan akong tumango nang marinig ang kaniyang sagot. Ilang sandali lang ay hinawakan ko ang aking tiyan. Bakit parang may kulang sa akin? Bakit parang may gusto akong itanong pero ayaw kong s