-Shania's POV- "Dad wants to see you." Sabi sa akin ni Lawrence habang nag-aalmusal kami. Marahan kong iniangat ang aking ulo para saglit siyang sulyapan. Hindi ko napigilan ang mapakunot ng noo. "Your Dad?" Nag-aalala kong tanong. I don't know his Dad, kaya medyo kinabahan ako nang banggitin niya ito. Kagaya ba siya ni Lawrence na masungit? Malamig rin ba siya kung makitungo sa mga tao? Magugustuhan niya ba ako para sa anak niya? "Yes…” mabilis na sagot ni Lawrence. “…matagal ka na niyang gustong makita, kaya isasama kita sa office ngayon." Nakangiti niyang dagdag. Iba ang pakiramdam ko kay Lawrence ngayon. Mas sweet siya ngayon kumpara noong mga nakaraang buwan na magkasama kami. Lawrence puts a lot effort in everything that he does for me. He’s sweeter than the very first time