WARNING! Kristina "Hi, Ma'am!" isa- isang bati sa akin ng mga empleyado nang pumasok ako sa opisina. As a new shareholder of the company. Kailangan ko rin pumasok araw-araw. Maayos na ang table ko, mga gamit sa ibabaw ng table. Nakalagay na rin ang name plates ko sa office table. Pinagmasdan ko ang buong paligid ng magiging office ko. Mukhang pinaghandaan nila ang unang araw na pagpasok ko. Maayos ang pagkakalagay ng mga gamit. Tila walang makikitang hindi maayos. Automatic akong napalingon sa pintuan nang may marinig akong ingay. Mula sa pinto pumasok si Dylan. Kasama ang ibang mga empleyado. Nakangiti nila akong sinalubong habang may dalang cake si Dylan. May nakasulat pa rito. 'WELCOME' Ano 'to? Nanatili akong napanganga. Hindi ko lang akalaing sasalubungin nila ako