Gina's POV Buhat-buhat ko ang aking bag. Habang nag-aabang nang masasakyan papunta sa mansyon. Kaloka! Bakit kasi idadamay pa ako sa away? Kung away? Away lang, walang tanggalan ng maid. Kaloka! Kaloka talaga itong si sir Dylan. Hindi ko talaga maintindihan. Halata namang mahal na mahal niya si Ma'am Kristina pero kung magalit naman eh, sobra. Napakamot pa ako ng ulo. Hindi ko talaga alam kung anong kinagagalit niya pero isa lang ang alam ko ngayon... Pagod na akong pumara ng bus na hindi naman humihinto. Ganito na ba talaga ako kamalas sa gabing ito. Mag-gagabi na. Ako yung naaawa kay Ma'am Kristina. Pero hindi ko naman siya kayang tulungan. Hays! Kahit bus ayaw na sa akin. Akala ko si sir Dylan lang ang may ayaw sa akin. Yun pala kahit bus ayaw na rin sa akin. Maloloka na talaga