Kristina's POV "Ma'am Kristina, pwede po ba na tanggalin niyo na po yung nakabalot sa inyong katawan?" sigaw ng photographer. Nasa beach kami. Maaga pa akong umalis sa bahay para lang dito. Kahit pag-alis ko hindi ko nasilayan si Karl. Hindi kasi ito inuwi ni Mama. Mabuti na lang at wala si Dylan. Malaya akong makakagalaw. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya, kung bakit wala siya dito ngayon. Wala akong pakialam. Para mas lalong mabibighani at maraming bumili ng whitening product, dito kami sa beach nag photoshoot. At ginawa pa talaga nila akong example. Kagustuhan 'to ni Marco pero sinang-ayunan ko rin naman. "Good, Ms. Vazquez!" sigaw ulit ng photographer sabay thumbs up nito sa akin. Inayos ko talaga ang pag pose para matapos na ito. Na-mimiss ko na si Karl. Gusto ko na