Kristina's POV Maaga pa lang ay nagising na si Kyle. Halos nga hindi na siya makatulog sa sobrang excited niya. Maaga niya akong ginising. "Mama...gising na po," panggigising niya sa akin. Nakahiga pa ako sa kama at wala pang balak bumangon. "Kyle...inaantok pa ako," reklamo ko sa kaniya.. Totoo namann kasi na inaantok pa ako at wala pa akong gana na tumayo, pakiramdam ko kasi sobra akong napagod. Dumapa ako sa malambot na higaan. Pilit na iniwasan ang panggugulo sa akin ni Kyle. "Ome, nasa labas na si Daddy, wake up na!" halos ayaw talaga akong tantanan ni Kyle.. Masyado kasing excited.. Ano pa ba magagawa ko kundi ang tumayo sa higaan. Kinusot ko ang aking mga mata. "Nasa labas ba si Daddy mo?" inaantok ko pang tanong kay Kyle. Ngumiti naman ito nang pagkalapad "Joke lang, Ome.