Kristina's POV Abala kami sa pag-aasikaso nang nalalapit namin na kasal ni Dylan. Hindi na nga ito umuwi sa condo niya. Sumama na sa amin pauwi sa bahay. Hindi raw siya uuwi na hindi ako kasama, napakakulit. Gusto niyang lumipat na ulit kami sa penthouse niya. Habang nagmamaneho siya katabi niya si Karl. Kapag magkatabi ang dalawa, asahan mo na ang sama ng tinginan ng dalawa. "Why do you look at me like that?" tanong ni Dylan sa bunsong anak niya. Kagagaling lang kasi namin sa bahay at papunta kami ngayon sa mansyon. "Every time I look at you, I see myself. I hate it." supladong sagot ni Karl. Tumawa lang si Kyle sa likuran. Maging ako ay natawa sa sinabi ni Karl. Kapag silang dalawa mag-ama ang magkaharap at magkausap asahan ko na ang bangayan nilang dalawa. "Blame your Mom, kung