Hindi naging madali para sa akin ang magpanggap na wala akong narinig noong isang gabi. Habang nagpapanggap ako ay kinailangan ko pa siyang bantayan at manmanan sa mga bagay na ginagawa niya. At sa halos isang Linggo kong pagbabantay kay Stryker, tuwing madaling araw nga kapag sa tingin niya ay tulog na ako, bumabangon siya at may kinakausap sa kanyang cellphone. Hindi ko alam kung sino iyon, pero nitong kagabi lang ay kausap na niya ng harapan ang isang lalaking hindi ko rin kilala. Na-realize ko na marami pa pala akong hindi alam tungkol kay Stryker. Ang alam ko lang talaga ay isa siyang direktor ng school at kilala ang pamilya nila bilang may-ari ng kilalang school sa buong bansa. Iyon lang. Hindi ko siya lubos na kilala kahit pa araw-araw naman kaming nagkakasama. “Ayla, ayos ka lang