Kabanata 08: Surprise.
LUNES na naman at lunch break na namin. Matapos kong ligpitin ang mga gamit ko sa lamesa ay isinukbit ko na ang bag ko sa balikat at saka lumabas ng classroom. Kung kailan naging maayos ang kalahati ng araw ko, mukhang sisirain naman iyon ni Ma’am Lara.
Saktong pagkalabas ko ng classroom, iyong nakakalokong ngiti niya kaagad ang bumungad sa akin. Halos mapatalon pa ako nang dahil sa labis na gulat.
“Mahabaging Diyos, Ma’am Lara! Mamamatay ako sa gulat nang dahil sa ‘yo!” reklamo ko. “Bakit ka naman nanggugulat?” tanong ko habang nakahawak pa sa dibdib. Hindi agad humupa ang kaba sa dibdib ko!
“Balita ko successful ang pakikipag-usap mo kay Stryker!”
“At saan mo naman nabalitaan?”
“Sa Mama mo! Of course, we are close!”
Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Si Mama talaga… akala talaga niya isang mabait at mapagkakatiwalaang tao itong si Ma’am Lara, not knowing na number one bad influence ang kaibigan kong Principal na ito.
“You know what? Nang mabalitaan ko sa Mama mo na alam na niyang kasal ka kay Stryker, ini-stalk ko Stryker at ‘day, hindi ka na talaga lugi roon! Ang gwapo para maging asawa mo, pero bakit parang luging-lugi ka?”
“Ewan ko sa iyo, Ma’am Lara! Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, malalaman mo!”
“E kaso wala ako sa sitwasyon mo kaya hindi ko alam. So ano… anong plano n’yo?”
Bumuntong-hininga ako at saka nagkibit-balikat. “Magsasama muna kami ng mga ilang buwan. S’yempre, hindi naman kasi pwedeng basta na lang kaming mag-divorce. For sure na magagalit si Mama at Papa pati na rin ang mga magulang ni Stryker. Maling mali pala kasi ang desisyon kong sumugod sa kasal!” Binalingan ko siya ng tingin at saka pinanlisikan ng mga mata. “Na kasalanan mo dahil pinrovoke mo ako.”
“What? I didn’t provoke you!”
“Oo, ikaw ang nagsabi sa akin na sumugod ako sa kasal na parang sa mga pelikula. At dahil sa bugso ng damdamin, ginawa ko nga.”
“Ay loka! Award winning ka! Talagang ginawa mo pala ang sinabi ko sa iyo! Alam mo, matalino ka sana kung hindi ka lang loka-loka!”
“Ewan, hindi ko na alam ang gagawin ko, Ma’am Lara. Huwag mo nang paguluhin pa ang utak ko dahil jusko, hindi ko talaga alam kung paano ko sosolusyonan ang sanga-sangang problema ko.”
“Simple lang ang problema mo, Ayla. Makisama ka na muna kay Stryker, ilang buwan lang. Act casual like he was just your friend and then after a few months, mag-divorce kayo, simple!”
“At paano naman naging simple ‘yan, aber?” taas ang kilay na tanong ko.
“Simple kasi strangers naman kayo sa isa’t isa!”
“At paano kung masamang tao pala siya? Paano kung papatayin pala ako no’n? Aber?”
Nagkibit-balikat si Ma’am Lara. “Well, sa tingin ko naman hindi siya ganoon!”
Ngumiwi ako. “Sana nga.”
Nang makarating na kami sa Filipino Office, dumiretso ako sa loob at saka naupo sa lamesa ko. Habang si Ma’am Lara ay nakasunod pa rin sa akin, wala siyang pakialam sa bumabati sa kanya nga ibang teachers na nasa loob.
“Alam mo bang si Stryker pala ang Director ng school natin na ito,” ani Ma’am Lara.
“Ha?” gulantang na tanong ko. “Ng school na ‘to?!”
“Oo, kaya huwag ka nang magulat na one of these days bigla ‘yang dumating dito at—”
Natigil si Ma’am Lara sa pagsasalita nang may kumatok sa pinto ng office at saka nagbukas.
“Ma’am Gracia? Saan po kayo? May naghahanap po sa inyo.”
“Ha? Sino raw?” Nag-angat ako ng tingin at tiningnan ang estudyante ko na nakatayo sa harap ng pinto.
“Asawa n’yo raw po, Ma’am.”
“A-asawa?” takang tanong ko.
Ilang saglit lang ay may sumilip mula sa kanyang likuran. Namilog ang mga mata ko nang makita ang nakangiting mukha ni Stryker.
“Good afternoon!” bati niya.
Sabay-sabay na nag-angat ng tingin ang mga Filipino teachers na nasa loob ng office, halatang lahat sila ay kuryoso.
“Oh my God!” Si Ma’am Illagan, isa sa pinakabatang teacher ng Filipino ang napabulalas. At saka siya napatayo mula sa upuan. “Director Stryker Mariano!”
Nagulat din ang ilang mga naroon. Pero ako, kinabahan ako at nahiya nang husto!
Tumayo si Ma’am Lara mula sa tabi ko at saka lumapit kay Stryker.
“Director, bakit hindi mo sinabi na darating ka? Halika, sa Principal’s office tayo kasama ang asawa mo,” aniya.
Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko, hindi ko kinaya ang kahihiyan lalo pa’t nagbubulungan na ang mga kasamahan kong teacher.
“That’s better,” sagot ni Stryker. At saka dumukwang para tingnan ako. “Ayla?”
Napakurap ako nang tawagin niya ang pangalan ko. “Y-yes?”
“Come on, let’s have lunch together.”
Humugot ako ng malalim na hininga bago ako tuluyang tumayo at nagpaalam sa co-teachers ko. Tumango lang din sila pero alam kong mamaya kapag nagsama-sama na ulit kami, kukulitin nila ako. Sigurado ako r’yan!
Nauna si Ma’am Lara sa amin ni Stryker habang ako ay panay ang pagsiko sa kanya at bulong.
“Bakit hindi ka muna tumawag?” bulong ko.
“Hindi na magiging surprise kapag tinawagan kita,” sagot niya.
“At sino bang nagsabi sa ‘yong i-surprise mo ako?”
“Wala, ako lang.”
Umikot na lamang ang mga mata ko at imbes na sagutin pa siya’y nagmadali na lang akong maglakad kasabay si Ma’am Lara. Pagdating sa Principal’s office, naupo na ako sa sofa na naroon habang tumabi naman sa akin si Stryker. At saka niya inilapag ang paperbag sa ibabaw ng lamesa.
“I brought lunch,” aniya.
“Wow! Tamang tama at hindi pa ako kumakain! How thoughtful of you, Stryker!” bulalas ni Ma’am Lara at uupo na sana sa harap namin pero hindi natuloy nang sumagot si Stryker.
“Pang-dalawang tao lang ang dala ko,” sagot ni Stryker. “And, can we have lunch alone? I need to talk to my wife.”
Napakurap si Ma’am Lara at napahiyang tumayo nang diretso. Pero ngumiti pa rin siya nang pilit.
“Sige, of course! Aalis na muna ako, take your time!” bulalas niya habang natatawa-tawa.
Grabeng kahihiyan na talaga ang ginagawa sa akin nitong si Stryker! Hinintay ni Stryker na lumabas si Ma’am Lara bago niya inumpisahang ilabas ang mga nasa loob ng paperbag.
“Sinong nagluto niyan? Ikaw?”
“Hindi, I don’t cook. Si manang ang nagluto nito,” sagot niya.
Marahan akong tumango. “Ah, okay… anong pag-uusapan natin?”
“My parents are coming later today. Are your parents available tomorrow night?” tanong niya. “Kasi mag-i-schedule na ako ng dinner.”
“Ah, palagi namang available ang mga magulang ko.”
“Oh, I see. Sige, mag-i-schedule na ako.”
“Iyan lang ang ipinunta mo rito? Grabe ka! Ipinahiya mo pa ako sa mga katrabaho ko.”
“Hindi kita ipinahiya. I just showed up like a normal husband, what’s wrong with it?”
“Direktor ka ng eskwelahang ito, iyon ang mali.”
“They will know soon,” sagot niya. “At saka, palitan mo na nga ang apelyido mo. Mrs. Mariano ka na, hindi na dapat Gracia ang gamit mo.”
“Hindi ba pwedeng i-secret na lang natin hanggang sa mag-divorce tayo?”
“Well, we can make it a secret but our parents won’t let that happen,” sagot niya. “And we’ll live together maybe next week.”
“Ano?!”
“Bakit?”
“Anong titira tayo nang magkasama?”
“We will because we’re married. Ano sa tingin mo ang magiging reaksyon ng mga magulang mo kapag ayaw mong sumama sa akin?” He leaned towards me and then flashed a sly smile. “For sure they’ll ask for a grandchild too. What will you do then?”