Kabanata 11: The Other Side.
NAGISING ako kinaumagahan nang dahil sa bigat ng kung anong nakadagan sa aking binti. Pupunga-pungas pa ang mga mata ko nang idilat ko iyon at saka tiningnan kung ano iyong nakadagan. At halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko kung ano iyon. Walang iba kundi ang binti ni Stryker!
Nagmamadali kong itinulak ang binti niya! Hindi lang iyon, naka-topless pa siya na naging dahilan para mapahiyaw ako sa sobrang gulat.
“Oh mahabaging langit! Diyos ko, patawarin n’yo po ako!” bulalas ko.
Hindi ako makapaniwala na nasa tabi ko siyang nakahubad ang pang-itaas!
“Ano—aray!”
“Ano bang ginawa mo?! Bakit ka nakahubad nang ganyan?!” bulalas ko.
“Ha?” Pupungas-pungas pa ang mga mata niyang tumingin sa akin.
Habang ako naman ay nakatingin sa hubad niyang katawan. Bakit ba siya nakahubad? Kagabi noong natulog ako, nakadamit pa siya, ah!
“Anong problema kung nakahubad ako?” taas ang kilay na tanong niya. “Bakit, naaakit ka ba?”
“Anong—anong sinasabi mo r’yan?!”
“Wala akong sinasabi! Ang sabi ko, may laway ka pa sa gilid ng labi mo,” aniya. At saka tuluyan nang bumangon.
Nagmamadali akong nag-iwas ng tingin mula sa kanya. Nakahubad siya ng pang-itaas pati na rin ng shorts, oo! Naka-boxers shorts lang siya! Ano bang nasa isip ng lalaking ito? Magkasama kami sa iisang kwarto, at sa iisang kama. Alam niyang babae ako pero heto at talagang naghubad pa siya!
“Hindi kasi ako sanay na nakadamit ‘pag natutulog, hindi ako kumportable,” sagot niya. “And there’s nothing wrong if I sleep beside you naked. Asawa kita, kasal tayo. Kaya anong problema?”
“Ang problema, alam naman nating hindi tayo nagmamahalan!” bulalas ko.
“Sus!” sagot niya. “Aminin mo na lang na naaakit ka. If you want, we can do that. It’s fine with me,” he smirked.
“Aba’t talaga naman!” Dinampot ko ang unan at saka mabilis na inihampas iyon sa kanya. “Bumangon ka na nga bago pa kita masampal! Lumabas ka na!”
“Fine, fine!” aniya habang natatawa-tawa pa.
Ngumuso ako nang mahaba habang patuloy siya sa pagsusuot ng mga damit niya. At nang matapos siya sa pagsusuot, nagmamadali na siyang lumabas ng kwarto ko at isinara ang pinto. Sa wakas!
—
Stryker’s POV:
I was shaking my head as I left Ayla’s bedroom. Nakakatuwa talaga siyang biruin, hindi siya mabiro. Palagi na lang niyang siniseryoso ang mga bagay-bagay na hindi naman dapat na seryosohin. Ang cute niya kapag napipikon siya, kaya mas lalo ko siyang ginugustong pikunin, e.
Habang pababa ako ng hagdan, binuksan ko ang aking cellphone at saka nagmamadaling dumaan sa likod ng bahay nila para walang makakita sa akin. I quickly slid the glass door and then went out of the house. Sa likod-bahay, may maliit na hardin doon na halatang alagang-alaga.
“Hello?” tawag ko sa taong tinawagan ko.
“Boss, kumusta? Napatawag ka?”
“Nakapasok na ako sa bahay ng mga Gracia,” sagot ko. “I tried to look around their house but I found nothing…”
“Ganoon ba, Boss? Kung wala sa bahay nila, nasaan kaya?”
“I’m sure that it was around their house or maybe in their church. I will find out.”
“E kung wala naman pala kayong nalaman, bakit mo ho ako tinawagan?”
“Anong sabi mo?”
“Wala ho, Boss! May ipapagawa po ba kayo sa akin?”
“Mayroon! Hindi naman kita tatawagan kung wala akong ipapagawa sa ‘yo.” Napailing na lamang ako nang dahil sa katangahan ng lalaking ito. I looked around to see if there’s someone around us. “Find out if Jocelyn Ayla Gracia knows something about his father.”
“Akala ko alam mo, Boss?”
“Anong alam ko?”
“Akala ko pinakasalan mo kasi baka may alam siyang impormasyon tungkol sa tatay niya.”
“You know what, just do as I said. Huwag ka nang maraming tanong.”
“Hindi nga, Boss? Wala ka talagang alam?”
“Wala nga! Kaya nga iniuutos ko sa ‘yo, ‘di ba?”
“Okay, Boss—”
“Sinong kausap mo? Bakit parang galit ka yata. Ang aga-aga.”
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ng nanay ni Ayla. My heart was beating so fast when I glanced at her. She just got out of the door.
“W-wala po, my secretary. He’s kind of dumb,” I replied.
“Ah, palitan mo na!” aniya. At saka siya dumiretso sa may mga bulaklak na naroon. “Kaysa na-i-stress ka r’yan, ‘di ba?”
“Ayos lang po,” sagot ko. “Kayo po ba ang nag-aalaga ng hardin na ‘to?”
“Minsan ako, minsan hindi.”
Hindi na ako sumagot. Pinagmasdan ko siyang nag-umpisang diligan ang mga halaman na naroon. Habang pinagmamasdan ko ang nanay ni Ayla, hindi ko alam kung pati ba siya ay may alam tungkol sa ginagawa ng kanyang asawa. Mukhang normal at inosenteng pamilya lamang sila, kaya hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Rudolfo. Na may itinatagong lihim ang pastor ng simbahan ng Paradise In Heaven.
“Hindi pa ba gising si Ayla? Gisingin mo na siya! Para makapag-almusal na at makalipat na kayo sa bahay mo,” aniya.
“Ah, yeah… I’ll wake her up.”
“Alagaan mo ang anak ko ha? Hindi ko pinakagat sa lamok iyan kahit isang beses.”
“Yes, of course, I will do that!”
“Good, sige na, pumasok ka na sa loob.”
Ngumiti ako at saka tumango bago pa ako pumasok sa loob ng bahay. Nawala ang ngiti ko at nagmamadaling pumasok sa loob. Mukhang hindi magiging madali ang paghahanap ko ng ebidensya laban sa kanila. Masyado silang magaling magtago.
As I went inside, I saw Ayla walking down the stairs. She was still yawning. Maganda si Ayla at mukhang inosente, at aaminin kong naaakit ako sa kanya. Pero ang lahat ng ginagawa ko ay palabas ko lamang…
“Anong tinitingin-tingin mo r’yan?” taas ang kilay na tanong niya.
“Wala, ang ganda mo lang,” sagot ko.
Gumapang ang kulay pula sa kanyang mukha na lalo pang nagpaganda sa kanya. This woman… I still don’t know if I have to protect her or if she's one of my enemies too…
Whatever it is, I have to find it out as soon as possible.
Hindi pwedeng magtagal ang lahat ng ito dahil sa loob ng mga panahong nagtatagal ang mga pangyayari, mas lalo lang lumalala ang sitwasyon. Mas lalo lang kumakalat ang lagim na nangyayari sa underground world.
Isang ngiti ang gumapang sa aking labi nang makita ko si Luigi… He looked so holy outside, but I need some holy water to clense him.