Leana's POV Finally! Lumayas din ng bahay nang matagal-tagal si Dreco dahil mayi mportant meeting ito. Ito talaga ang need umaattend at kanina nga ay si Johnson pa rin ang pinapupunta. Kung hindi ko pa ipinagtulakan ay hindi pa talaga siya aalis. "Ma'am? Nariyan po si Ma'am Zandra at Lane sa baba." siyang bungad ng isa sa kasambahay matapos kong pagbuksan ito ng pintuan ng kwarto. "Wow! Naku nagpunta rin ang dalawa dito! Sige baba na ako kamo." nakangiti kong sagot dito. "Opo, Ma'am. Kasama po nila mga anak nila." pahabol pa nito bago siya lumakad para bumaba ulit. Siniguro ko lang na maayos ang suot kong bestida at lumabas na ng silid. Hinanap ko muna sa playroom ang dalawang makulit na bata para makalaro ng mga bwisita este bisita pala!