Leana's POV Inabot kami ng ilang oras bago narating ang mansion. May pinindot si Dreco sa kotse nito upang automatic na magbukas ang gate. Dire-diretso nitong pinasok ang kotse sa garahe at mabilis na pinindot ang pinindot kanina para bumukas ang gate at ngayon at nagsara naman ito " Eh di ikaw na ang mayaman! " bulong ko. " Huh? " taka nitong tanong sa ibinubulong ko. " Wala! " sagot ko na lang dito. Kaagad itong umibis ng sasakyan matapos na patayin ang makina ng kotse nito. Umikot ito sa gawi ko at kaagad akong pinagbuksan ng pinto. Iniabot nito ang palad ko at hawak kamay namingp inasok ang kabahayan nito. Magalang na yumukod ang mga kasambahay nito na aming nakasalubong. " Saan