Leana's POV Hindi pa rin ako makababa ng sasakyan sapagkat nakaharang si Caleb na gusto akong alalayan kanina pero hindi ko naman maabot ang palad nito sapagkat baka bugahan ito ng dragon este ng lalaki bandang likuran nito. Nakaharap ngayon si Caleb kay Dreco nanag maramdaman nito ang presensiya ng lalaki sa likuran. Nagsusukatan ng tingin ang dalawang lalaki ngayon at tila walang balak na mag-alis ng paningin. " Pwede na bang dumaan? " agaw pansin ko sa mga ito upang makababa na ako. Mula sa pintuan ng bahay ay tanaw ko si Chander na tinakip ang isang palad sa bibig nito upang pigilin ang pagtawa sa natatanaw na pangyayari. Pero halata naman sa pag-alok ng balikat nito ang pinipigil na tawa. " Sure! Let me help you. " malapad ang p